Easterlies magpapaulan sa VisMin

Easterlies magpapaulan sa VisMin

July 13, 2021 @ 6:30 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Maaapektuhan ng easterlies ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region dahil sa easterlies kung saan may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay pag-ulan at thunderstorms bunsod ng easterlies at localized thunderstorms.

Posible rin ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Samantala, magiging mahina hanggang sa katamtaman ang ihip ng hangin sa buong bansa mula sa silangan patungong timog-silangang direksyon.

Magiging mahina hanggang sa bahagya naman ang mga alon sa buong kapuluan.

Lulubog ang araw bandang 6:30 ng gabi. RNT/ELM