Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

October 17, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Eastern Samar nitong Lunes, Oktubre 17.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol 9:57 ng umaga at naitala ang sentro nito 10 kilometro timog-silangan ng Giporlos, Eastern Samar.

Naramdaman ang Intensity IV ng lindol sa Giporlos, Lawaan, Quinapondan, Balangiga at General MacArthur sa Eastern Samar.

Intensity III naman ang naitala sa Hernani, Llorente at Maydolong, Eastern Samar; Marabut at Santa Rita sa Samar; at sa Tacloban City, Palo at Babatngon sa probinsya ng Leyte.

Ang Borongan City, Sulat at Taft, Eastern Samar; Catbalogan City; Alangalang, Dulag, Abuyog at Tolosa sa Leyte at nakaramdaman ng Intensity II na pagyanig.

Intensity I ang naramdaman sa Julita, Leyte.

Ayon sa Phivolcs, tectonic in origin ang lindol at paggalaw ng isang active fault malapit sa lugar ang naging sanhi nito.

Wala naman inaasahan na aftershock o pinsala dahil sa lindol. RNT/JGC