EAU ng unang COVID drug sa Tsina aprubado na

EAU ng unang COVID drug sa Tsina aprubado na

December 9, 2021 @ 4:48 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng drug authority ng China ang emergency use ng unang specialized treatment laban sa coronavirus disease (COVID-19) ng bansa, na batay sa clinical trials ay nakapagpapaliit ng tiyansa ng pagkaka-ospital at kamatayan sa mga pasyenteng high-risk.

Ito ay matapos magbigay ng hudyat ng regulators sa buong mundo na aprubado ang naturang treatment- lalo na sa mga kabilang sa high-risk groups- sa gitna ng pangambang dala ng bagong Omicron variant.

Kinahaharap din ng China ang tumataas na bilang ng mga pag-aaral na nagsasabing mas mababa ang efficacy rates ng bakuna nito kumpara sa mga binuo ng mga taga-ibang bansa.

Base sa opisyal na abiso na inilathala nitong Miyerkules, sinabi ng National Medical Products Administration ng China na iginawad na nito ang “emergency approval” para sa isang monoclonal antibody treatment.

Isa itong uri ng protein na dumidikit sa spike protein ng coronavirus, na nagpapahina sa abilidad nito na mapasok ang body cells.

Kabilang sa treatment ang kombinasyon ng dalawang drugs, sa pamamagitan ng injections, at maaaring gamitin sa mga malalalang kaso ng virus, ayon sa drug authority.

Ito ay co-developed ng Tsinghua University, Third People’s Hospital of Shenzhen at Brii Biosciences. RNT/SA