EB, may relaunch sa April 17, may pagbabago!

EB, may relaunch sa April 17, may pagbabago!

March 13, 2023 @ 5:45 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Magiging buwan ng rebelasyon ang darating na Abril.

Ito’y kung paniniwalaan ang maugong na usap-usapan na magkakaroon ng relaunch ang Eat Bulaga sa April 17.

Bago rito’y magpapatawag muna ng media conference ang EB management sa April 15 para pormal na ipaalam ang mga pagbabago sa longest-running noontime show sa bansa.

Pero hindi pa ma’y marami nang mga balitang lumulutang na major changes sa EB.

Diumano, walang katiyakan kung mananatili pa raw ang trio ng mga pioneer hosts nitong sina Tito at Vic Sotto plus Joey de Leon.

Wala pa raw kasing konkretong plano kung sasaluhin nila ang matatanggal na si Tony Tuviera.

Pero ano’t anuman daw ang mangyari’y tanggap na raw ng TVJ that it’s the end of the road for them.

Nagpakita naman ng malasakit ang mga masugid na tagasubaybay ng EB na mula noon hanggang ngayon ay hindi bumitaw sa panonoood.

Dapat daw ay may tanggapin na retirement pay ang TVJ who started it all.

Kabilang nga sa kanilang mga struggles o paghihirap ay noong mga panahong nagho-host sila ng EB nang walang suweldo.

Sa napipinto ring exit ng TVJ ay papalitan sila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K.

Nang hingan naman ng reaksyon si Allan K ay tumanggi ito.

Paano na ang JoWaPao trio nina Jose, Wally at Paolo Ballesteros kung ganoon?

Isa pang maugong na tsismis ang pagbabalik ng retirado nang si Malou Choa-Fagar na mataas ang posisyon.

May kumakalat ding inaawitan para mapabilang sa bagong bihis na EB si Kim Atienza na malapit sa mga Jalosjos.

Si Kuya Kim ay isa sa mga host ng Tik ToClock na pre-programming ng EB.

Bukod dito’y may dalawa pa siyang show sa GMA, kakayanin ba niya ang apat na programa kung saka-sakali?

Balita ring ginu-groom si Alden Richards bilang poste ng EB.

Pero nagpauna na ang kampo ni Alden na hindi porke sumipot na siya sa EB nitong March 11 ay araw-araw na siyang matutunghayan doon.

All said, tama si Joey de Leon na nagsabing buo pa rin ang Dabarkads hanggang Holy Week.

Nakasanayan na rin kasi ng mga manonood ang weeklong Lenten special ng EB bilang panata.

Ang balitang relaunch ng EB sa April 17 ay mahigit isang linggo pagkatapos ng Semana Santa. Ronnie Carrasco III