EB, tatambakan ng Sparkle artists; ibang co-host, masisibak?

EB, tatambakan ng Sparkle artists; ibang co-host, masisibak?

March 13, 2023 @ 10:31 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Balitang nakipagpulong na ang TAPE, Inc. major stockholder na si dating Zamboanga del Norte Representative Romeo Jalosjos sa mga ehekutibo ng GMA at Sparkle Artist Center head na si Johnny Manahan.

Ang kanilang meeting ay may kaugnayan sa pagpasok ng ilang Sparkle artists sa Eat Bulaga na bahagi ng malaking pagbabagong magaganap with the takeover of the Jalosjos family.

As a result of this ay mawawala na raw talaga sa mga kamay ni Tony Tuviera ang pamamalakad ng longest running noontime program sa bansa.

Part of EB’s rebranding includes the alleged dismissal of Tito and Vic Sotto plus Joey de Leon na naghihintay ng alok mula kay Tuviera sa kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila.

Sa latest report ay mag nagsabing tapos na raw ang kaguluhan sa Eat Bulaga production at hindi na raw tatanggalin ng Jalosjos siblings si Tuviera.

Sa ngayon daw, nasa proseso pa ang pagtukoy kung sinu-sinong Sparkle stars ang magiging bahagi ng bagong bihis na EB.

Hindi rin tiyak kung mare-retain ang mga datihang co-hosts nito, but one thing’s for sure daw, ang bagong EB na tatambad sa publiko ay magtataglay ng mga fresh faces.

Sa ngayon, kahit anong pangungulit sa mga tumitimon ng programa ay tumatangging magsalita.

Samantala, hindi raw porke napanood nang muli si Alden Richards sa EB nitong Sabado ay araw-araw na uli siyang magre-report.

Nangako raw ang Asia’s Multimedia Star na kung hindi naman daw siya busy with other commitments ay hahanapan niya ng time ang pagsipot sa show.

Lumalabas na hindi top priority ni Alden ang EB unlike before lalo na noong kasagsagan ng tandem nila ni Maine Mendoza.

Taong 2015 nang pumaimbulog ang AlDub sa pamamagitan ng kalyeserye sa EB.

With the impending entry of Sparkle artists into the fray, sa rami nila’y posibleng piling-pili lang ang mapapasama as EB’s co-hosts.

Totoo nga ang kasabihang, “Many are called but few are chosen.” Ronnie Carrasco III