Eco team pinuri ng Malakanyang sa mahusay na pamamahala sa ekonomiya ng bansa

Eco team pinuri ng Malakanyang sa mahusay na pamamahala sa ekonomiya ng bansa

January 27, 2022 @ 4:13 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinuri ng Malakanyang ang Economic Team para sa mahusay na pamamahala sa ekonomiya sa kabila ng magulong panahon.

Pinasalamatan din nito ang mamamayang Filipino para sa kanilang sakripisyo, pagsisikap at pananampalataya sa liderato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mapaghamong panahon dahil sa COVID-19.

“The Palace views the growth of our economy––which grew 7.7% in the Fourth Quarter of 2021, bringing full year gross domestic product growth to 5.6%––as evidence of the strength and resilience of the Philippine economy, which continues to beat expectations despite the challenges brought about by the COVID-19 pandemic and natural calamities like Typhoon Odette,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Tiniyak ni Nograles na ipagpapatuloy ng pamahalaan na isulong ang mga polisiya at reporma habang muling itinatayo ang malakas na ekonomiya ng bansa.

“One wherein every Filipino enjoys a safe, healthy and comfortable life.”

Upang mapagtanto ang lahat ng ito, muling nanawagan ang gobyerno para sa mga sumusunod:

” (1) passage of amendments to the Public Service Act, which would open key sectors to foreign investments, subject to safeguards; (2) support for the proposed Livestock Development and Competitiveness Bill to improve the competitiveness of the livestock, poultry and dairy sectors; and (3) implementation of the Philippine Innovation Act to improve our people’s productivity.” Kris Jose