Economic team pinulong ni Marcos

Economic team pinulong ni Marcos

June 7, 2022 @ 7:42 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakipagpulong na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang economic team, nitong Lunes para pag-usapan ang mga prayoridad sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ipinalabas ni Marcos ang kaniyang marching orders na naglalayong tulungan ang Pilipinas na makabawi ang ekonomiya mula sa ‘adverse effects’ ng the COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong ay sina incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, incoming Finance chief Benjamin Diokno, incoming Budget Secretary Amenah Pangandaman, incoming Socioeconomic Secretary Arsenio Balisacan, incoming Labor chief Bienvenido Laguesma, at incoming Public Works Secretary Manuel “Manny” Bonoan.

Nauna rito, sinabi ni Marcos na tinitingnan niya ang national budget for 2023 para pondohan ang economic stimulus measure sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic. Kris Jose