Ecuador, Peru sapul sa M-6.8 na lindol

Ecuador, Peru sapul sa M-6.8 na lindol

March 19, 2023 @ 1:26 PM 2 weeks ago


ECUADOR – Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Ecuador at Peru na nagresulta sa pagkasawi ng 12 katao.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang lindol ay may lalim 41 milya o 66 kilometro at ang sentro nito ay nasa munisipalidad ng Balao, malapit sa border ng Peru at Ecuador.

Nakapagtala ng mga gumuhong gusali, mga nadaganan na sasakyan at debris sa mga lungsod ng Machala at Cuenca sa Ecuador.

“So far, 12 deaths are reported (11 in the province of El Oro and one in the province of Azuay),” saad sa tweet ng pamahalaan ng nasabing bansa.

Wala namang naitalang nasawi sa Peru.

“It is a relatively high magnitude for what we have in the country,” sinabi ni Mario Ruiz, director ng Ecuadorian Geophysical Institute sa panayam sa radyo.

Unang ibinalita ng Peruvian seismological authorities ang lindol bilang magnitude 7 na kalaunan ay ibinaba na lamang sa magnitude 6.7. RNT/JGC