Ed Sheeran, kinasuhan sa panggaya ng kantang “Let’s Get It On”

Ed Sheeran, kinasuhan sa panggaya ng kantang “Let’s Get It On”

June 29, 2018 @ 10:48 AM 4 years ago


 

Kinasuhan ang English singer at songwriter na si Ed Sheeran ng halos $100 milyon dahil sa panggagaya umano nito ng Marvin Gaye’s classic hit na “Let’s Get It On” para sa sikat na kanta nitong “Thinking Out Loud.”

 

Ang kaso ay ipinasa ng kompanya na pagmamay-ari ni David Pullman, isang investment banker na siyang nagsaayos ng $55 million sale ng “Bowie Bonds,” noong 1997, kung saan ito ang nagbigay daan kay David Bowie para maging kauna-unahang musician na nakapagbenta ng bonds na sinuporthan ng royalties sa kaniyang catalog.

 

Ayon sa complaint na ipnasa sa Manhattan federal court, ang kanta ni Sheeran, 27-anyos, na , “Thinking Out Loud,” na tumuntong sa ika-2 puwesto sa Billboard Hot 100 noong February 2015, ay kinopya ang “melody, rhythms, harmonies, drums, bass line, backing chorus, tempo, syncopation and looping” ng kantang “Let’s Get It On,” na siyang nasa No.1 na puwesto noong September 1973.

 

Kabilang sa mga kakasuhan ay ang Sony/ATV Music Publishing at ang Atlantic record label.

 

Tumanggi namang sumagot nang hingian ng komento ang ang representante ni Sheeran at ng Atlantic sa naturang kaso habang ang si Sony/ATV spokesman Paul Williams ay tumangging magbigay ng kaniyang pahayag.

 

Mariin naman itinanggi ng mga kasangkot sa kaso ang mga alegasyon.

 

Si Sheeran ay nahaharap pa sa mga akusasyon sa iba pa niyang mga kanta kabilang na ang “Photograph” at “Shape of You.”

 

Matatandaan na sina Miley Cyrus, Drake, Kendrick Lamar, Led Zeppelin at Madonna ay humarap rin sa kasong copyright noong mga nakaraang taon. (Remate News Team)