Edad 11 pababa, mga ‘di bakunadong 12-17 anyos paghihigpitan sa Baguio City

Edad 11 pababa, mga ‘di bakunadong 12-17 anyos paghihigpitan sa Baguio City

January 21, 2022 @ 1:10 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Naghigpit ang Baguio City government sa mga nasa edad 11 pababa at mga hindi bakunadong 12-17 anyos.

Sa isang panayam kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, iginiit niya na ipatutupad ang polisiya ngayong araw, Enero 21 hanggang Enero 31, 2022.

“Nagbigay ako ng executive order noong isang araw but it will take effect on January 21 na ire-restrict na namin yung movement ng mga 11 years old and below, and unvaccinated 12 to 17.”

Mula sa kanilang 5,420 COVID-19 case, 282 ang nasa edad 11 pababa habang ang 190 kaso ay pasok sa age group ng 12-17 na mga hindi pa bakunado.

Samantala, sinabi ni Magalong na naitala sa Baguio ang 5,180 average daily case sa nagdaang pitong araw at kasalukuyang may 4,200 aktibong kaso ng COVID. RNT/FGDC