Edad 18 pababa, 65 pataas makapaglalakbay kung may COVID testing

Edad 18 pababa, 65 pataas makapaglalakbay kung may COVID testing

June 2, 2021 @ 8:42 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Papayagang makapaglakbay ang mga residente mula sa NCR Plus na nasa edad 18 pababa at 65 pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) kung sasailalim sila sa COVID-19 testing, batay kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Maaalalang binubuo ng NCR Plus ang Metro Manila at karatig probinsya na Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Naunang sinabi ni Puyat na pinayagan na ng Interagency Taskforce on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga residente ng NCR Plus na nasa edad 18 hanggang 65 na maglakbay sa MGCQ areas.

“The story here is that, at first, the IATF allowed leisure [travel] but with an age restriction. It said those below 18 and above 65 are not allowed,” saad ni Puyat.

“So we asked the IATF if it would allow it if those aged below 18 and above 65 are tested before their travel. And it was allowed,” dagdag pa nito.

Philippine Noodle Maker to Take on Beyond Meat, Impossible Food

Paglilinaw pa ni Puyat, ang mga nasa ‘18-to-65 age group’ ay sasailalim din sa RT-PCR kung hihingiin ng local government unit ng kanilang destinasyon.

“But mostly the protocols all require testing before travel. But we just made it a condition so that those aged below 18 and above 65 would be allowed to go out. But they need to have a swab, RT-PCR swab.” RNT/FGDC