Edad 5-11 na may comorbidity prayoridad sa COVID vaccination

Edad 5-11 na may comorbidity prayoridad sa COVID vaccination

January 14, 2022 @ 1:20 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Ipaprayoridad sa pagbabakuna ang mga nasa edad lima hanggang 11 na may karamdaman sa isasagawang vaccination program, ayon sa adviser ng National Task Force against COVID-19.

“Syempre, ipra-prioritized natin… unang-una, ‘yung mga batang may comorbidity o immunocompromised. Sila ‘yung nangangailangan,” ani Dr. Ted Herbosa sa Super Radyo dzBB.

“And then susunod ‘yung general population.”

Sinabi rin na una itong aarangkada sa mga vaccination site o ospital na walang COVID case partikular sa National Capital Region.

“Oo, malamang, NCR muna kasi nga, alam niyo naman, kapag dumating ang bakuna, kapag dineploy sa malayong lugar, additional fee ‘yan.”

Kakailanganin pa rin aniya ng parental consent sa pagtuturok.

 “Hindi naman ‘yan pilitan, hindi ‘yan mandatory. May mga magulang kasing takot… Although alam ninyo naman ginagawa na ‘to sa Europa, sa America, at marami pang bansa,”” dagdag pa ni Herbosa.

Naunang sinabi nito na nakatakdang dumating ang bakuna na Pfizer sa huling linggo ng Enero. RNT/FGDC