Edad kung kailan unang nagkaregla ang ina, konektado sa puberty ng anak na lalaki

Edad kung kailan unang nagkaregla ang ina, konektado sa puberty ng anak na lalaki

October 19, 2018 @ 2:21 PM 3 years ago


 

Manila, Philippines – Natuklasan ng bagong European research na ang edad kung kailan nagkaroon ng unang regla ang babae ay konektado sa edad kung kailan magsisimulang mag-puberty ang kaniyang anak na lalaki.

Ang pag-aaral ay pinangunahan ng mga researcher sa Aarhus University, Denmark, nakalathala sa journal Human Reproduction, kung saan ito ang kasalukuyang pinakamalaking pag-aaral na nag-iimbestiga sa koneksyon ng unang regla ng ina sa edad ng pagsisimula ng puberty ng mga anak na babae at lalaki.

Kahit na sinasabi sa mga naunang mga research na ang edad kung kailan nagkakaroon ng menstruation ang mga babae ay namana nito mula sa kanilang ina, sa kasalukuyan, hindi pa rin malinaw kung ano naman ang magiging epekto nito sa mga lalaking anak.

Kaya naman sa bagong pag-aaral, sinuri ng mga researcher ang 15,822 batang ipinanganak sa pagitan ng 2000 at 2003 at sinundan ang mga ito hanggang 2016. Simula edad 11, ang bata ay inatasang sagutan ang mga inihandang questionnaire tuwing lilipas ang anim na buwan. Ang mga questionnaire ay may tanong tungkol sa puberty, samantalang ang mga ina naman ay tinannong kung kailan sila unang nagkaroon ng regla.

Dito natuklasan na kung mas maagang nagkaroon ng unang regla ang mga ina, mas maaagang nakararanas ng puberty ang kanilang mga anak na lalaki at kung mas matagal ang mga itong magkaroon ng regla, mas matagal ring dumaan sa puberty ang kanilang anak na lalaki.

Samantala, kagaya ng mga naunang pag-aaral sa mga anak na babae, pareho lamang ang datos na natuklasan sa pag-aaral.

“We found that mothers who reported having their first menstrual bleed earlier than their peers had sons with signs of puberty starting earlier than their peers,” ayon sa isa sa mga awtor ng pag-aaral na siDr. Nis Brix.

“The largest difference was when hair started growing in the armpits, which started, on average, approximately two and a half months earlier; their voices broke nearly two months earlier, acne started to develop nearly two months earlier and their first ejaculation of semen was nearly one and a half months earlier.”

“If their mothers started puberty later than their peers, then the sons experienced first ejaculation, growth of armpit hair and acne development later than their peers.”/Remate News Team