EDCA dinepensahan ng US Ambassador

EDCA dinepensahan ng US Ambassador

March 14, 2023 @ 10:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na hindi niya nakikita  bilang isang “magnet for conflict” ang designasyon ng bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Sa katunayan, nakikita niya ang bagong sites bilang makatutulong na mapalakas ang seguridad ng kinauukulang  local governments at  tagahatid ng mga aktibidad na makatutulong na mapalakas ang kanilang lokal na ekonomiya.

“I don’t see the EDSA sites as a magnet for that and in fact I see EDCA sites are a way for provincial authorities local authorities to enhance their ability not only to defend themselves from a security perspective but to grow their economies,”  ani Carlson sa panayam.

Ang kasunduan ang nagbigay sa tropa ng Amerikano ng  access sa apat pang bases sa strategic areas ng bansa upang payagan ang mas marami pang mabilis na suporta para sa  humanitarian at climate-related disasters sa Maynila at tugunan ang iba pang ‘shared challenges.’

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin inaanunsyo ng Department of National Defense (DND) ang eksaktong lokasyon ng bagong EDCA areas.

Sa ulat, ipatutupad ang $24-million na halaga ng airstrip extension at rehabilitation project sa Basa Air Base sa Pampanga, na isa sa existing Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa bansa, kung saan sisimulan ang groundbreaking sa March 20.

Ayon kay Carlson, na ang airstrip extension ay isa sa pinakamalaki sa mga proyekto na nagkakahalaga sa mahigit $80 million sa Philippine military facilities na maaring maacess ng US forces sa ilalim ng defense agreement.

Maliban sa Basa Air Base sa Pampanga, ang iba pang original EDCA sites ay ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, at ang Beniro Ebuen Air Base sa Mactan. Kris Jose