‘Eddie Garcia Act,’ inihain ni Lapid bilang proteksyon sa showbiz workers

‘Eddie Garcia Act,’ inihain ni Lapid bilang proteksyon sa showbiz workers

February 22, 2023 @ 7:43 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihain ni Senador Manuel “Lito” M. Lapid ang Senate Bill (S.B.) No. 1889 na kikilalaning “Eddie Garcia Act” upang bigyang proteksiyon ang manggagawa sa entertainment industry na magakroon ng opurtunidad sa hanapbuhay at disenteng kita, proteksiyon laban sa pang-aabuso, harassment, hazardous working conditions, at economic exploitation.

Sa pahayag, sinabi ni Lapid, isa si Lapid sa director ng bagong FPJ’s Batang Quiapo teleserye, na kapos sa social protection program ang entertainment industry sanhi ng kahinaan at kabiguan ng pamahalaan na kilalanin at tanggapin ang kakaibang karakter ng trabaho sa industriya.

“These include self-employment, temporary or open-ended, part-time or full-time work arrangements with one or more employers, or a mix of these. Furthermore, entertainment work is sometimes characterized by unpredictable revenues and a reliance on consumer or audience demand as well as the season, resulting in an irregular nature of work that is frequently linked with regional, and occasionally worldwide, mobility,” ayon sa explanatory note ng panukala.

Nakatakda sa ilalim ng SB No. 1889, “an industry worker or independent contractor, defined as “any person engaged or hired by the employer or principal to render services involving the production, distribution, and exhibition of film, television, and radio entertainment content” shall be governed by the provisions of the Civil Code on contracts and other applicable laws, but not lower than the standards provided under Presidential Decree No. 442, or the Labor Code of the Philippines, as amended.”

“Dahil kinikilala natin ang ambag ng mga manggagawa sa pelikula, telebisyon, radyo at ng kabuuan ng entertainment industry sa ekonomiya, kuktura, kamalayan at pambansang kaunlaran, ngayon, higit kailanman, na dapat ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng komprehensibong pagsusuri sa kalagayan ng nabanggit na industriya gayundin ang pagsisiguro na ang mga manggagawa dito ay may oportunidad, nakabubuhay na sahod, proteksyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantal at panganib sa lugar kung saan sila naghahanap buhay at siguraduhing ang kanilang karapatan ay iginagalang,” ayon kay Lapid.

Sinabi pa ni Lapid na kailangan nakasulat ang kasunduan o employment contract sa pagitan ng manggagawa at employer o kontraktor sa lengguwahe o diyalyektong kapwa nila naiintindihan bago isagawa ang serbisyo.

“Bilang tayo po ay kabilang rin sa industriyang ito, lalo na’t parte rin tayo ngayon ng higit na tinatangkilik na FPJ’s Batang Quiapo kasama ni Direk Coco Martin, malapit po talaga sa aking puso ang laban para sa mga showbiz industry workers na personal kong nasasaksihan ang kasipagan sa set. Kaya naman ito pong Eddie Garcia Act ay ating isunusulong sa Senado upang masiguro ang pagkakaroon ng proteksyon at seguridad sa lahat ng mga manggagawa sa showbiz industry,” dagdag ni Lapid.

Ipinangalan ang SB No. 1889 kay yumaong Eddie Garcia na namatay matapos maaksidente noong June 2019 habang ginagawa ng isang teleserye. Kasama si Eddie Garcia nina Fernando Poe Jr. at Lapid sa pelikulang “Kalibre 45” noong 1980. Ernie Reyes