Edgar Allan, niregaluhan ng bahay ang ina!

Edgar Allan, niregaluhan ng bahay ang ina!

December 29, 2021 @ 6:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Payback time.

Ganito ang masasabi sa sweet gesture ni EA o Edgar Allan Guzman na ipinaramdam sa kanyang ina.

Sakay ng kanilang SUV, inalalayan ng multi-awarded actor ang kanyang ina palabas ng sasakyan.

Nakapiring ang mga mata nito gamit ang face mask as she got off in front of what turned out to be their new home.

Post ni EA: “About last night, this is the most precious moment of my life. Merry Christmas. This is for you. AKO NAMAN ‘MA.”

Reading between the lines, ipinapahiwatig ni EA that it’s about time he gave back what his mother has done to him.

Gulat at mangiyak-ngiyak ang ina nang makita ang kanilang bagong tahanan habang yakap-yakap siya ni EA.

Once inside the house, tinanong ni EA ang ina, “Masaya ka ba? Happy ka ba? Tara, akyat tayo,” sey ng aktor while ascending the stairs leading to the second floor.

Ang brandnew house na naipundar ni EA para sa ina is a testimony to his dedication and hard work to his craft. Ronnie Carrasco III