EDSA busway target pahusayin ng LTFRB chief

EDSA busway target pahusayin ng LTFRB chief

July 14, 2022 @ 11:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Cheloy Garafil na pahusayin ang riding experience sa Edsa Carousel bus matapos niya mismong maranasang sumakay dito nitong Martes.

Inihayag ni Garafil nitong Huwebes na naobserbahan niya ang “many areas for improvement” sa ruta– na kilala ring Edsa busway– sa kanyang personal na ispeksyon, kabilang na ang malayong pagitan ng mga istasyon sa major commercial districts kagaya ng Cubao at Ortigas Center– at ang pangangailangan para sa isang fleet management system upang tugunan ang pagdagsa ng mga pasahero tuwing rush hours.

Napansin din niya ang kakulangan ng mga pasilidad para sa PWD, kakulangan sa passenger terminal sa Monumento, at “convenient access to the stations” para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Subalit, iginiit niya na ang busway “instilled the value of order and discipline” sa mga pasahero at inalis ang “chaos of elbowing all others” tuwing rush hour.

“What I saw were people respecting the lines and giving way to the privileged sectors such as senior citizens, PWD (persons with disabilities), and pregnant commuters when necessary,” aniya.

Unang ikinasa ang Edsa Carousel busway noong 2020, sa kasagsagan ng pandemya, upang pagbutihin ang bus system sa Edsa, ang pinaka-abala at pinakamataong lugar sa Metro Manila.

Libre ang sakay sa busway matapos palawigin ng administrasyong Marcos ang programa hanggang Dsiyembre 31. RNT/SA