EDSA Kamuning flyover muling bubuksan sa Hulyo 23

EDSA Kamuning flyover muling bubuksan sa Hulyo 23

July 22, 2022 @ 3:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Makadaraan na muli ang mga motorista sa tatlong southbound lanes ng EDSA Kamuning Flyover simula alas-5 ng hapon bukas, ayon sa Department of Public Works and Highway nitong Biyernes.

“We are happy to report that we were able to deliver on the given 30-day timetable despite the intermittent rain showers experienced in the past weeks,” pahayag ni DPWH Quezon 2nd District Engr. Eduardo Santos sa pagkumpleto ng parepair works sa 527.15-meter stretch.

Magugunitang isinara sa publiko ang lanes noong Hunyo 25 upang ayusin ang malalaking crack at potholes sa daan. RNT/SA