Edu at Cherry Pie, may nilinaw sa relasyon!

Edu at Cherry Pie, may nilinaw sa relasyon!

December 22, 2022 @ 12:34 PM 1 month ago


Manila, Philippines- It’s been three long months since walang paramdam ang magnobyong Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

This has sparked speculations na baka tinuldukan na nila ang Part 2 ng kanilang relasyon.

Matatandaang they were a silent item many years ago but they managed to keep their romance under the rug.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, both Cherri Pie and Edu have remained friends.

Nakapagtataka nga lang that of late ay hindi sila aktibo sa social media, prompting the netizens to speculate na split na sila. But their recent photos reveal otherwise.

Nitong December 14, makikita sa mga larawan na naka-bonding ni Edu ang ilang kaanak ni Cherry Pie.

Isa roon has the actor’s arm on Cherry Pie’s shoulder with the latter’s niece who’s in town from New Zealand.

Also in photo is the actress’ son Nio Tria from her previous relationship.

Nito namang December 18 ay may post ang magkasintahan ng litrato kasama si Cavite Governor Johnvic Remulla at may-ari ng restaurant.

Nakaakbay si Edu sa aktres.

Edu captioned the photo with: “Gorgeous!”

Na sinagot naman ni Cherry Pie ng: “Thank you, good-looking.”

So, malinaw that Edu and Cherry Pie are still very much together.

Matatandaang nanumbalik ang kanilang pagtitinginan when they did Marry Me, Marry You on ABS-CBN.

Kapwa tanggap ng kanilang respective parties sina Edu at Cherry Pie.

As of now, the couple has yet to announce if wedding in the near future lies on the horizon. Ronnie Carrasco III