Edu, inuwi si Cherrie Pie sa pamilya!

Edu, inuwi si Cherrie Pie sa pamilya!

December 9, 2021 @ 7:08 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Ipinakilala na ni Edu Manzano sa kanyang pamilya sa Tate si Cherrie Pie Picache.

Base sa post ni Edu ay dumalo sila ni Cherrie Pie sa reunion ng kanyang pamilya kung saan makikita sa larawan ang malaking pamilya ng aktor.

“Bros and Sis, in-laws. Children, cousins, apos & Pie, Mi  familia. The best day of my 2021. Never realized  how much I missed them and until we celebrated  Thanskgiving together. I love my family,” caption ni Edu.

Sa hitsura ng lahat ay tila tanggap na tanggap ng pamilya ni Edu si Cherrie Pie at base na rin sa positive comment na naglabasan ay boto rin ang mga netizens sa relasyon nila.

“I always loved  MIss Cherrie Pie and her acting and our oldest niece from my brother looks a lot like her! So glad for the both of you. Always loved your hosting and your Luis and both of Dad and son`s humor,” comment ng isang netizen.

Bukod kay Luis Manzano at Jessy Mendiola ay marami rin ang nagsabi na bagay sina Edu at Cherrie Pie. Sana lang daw ay maging forever na ang relasyon ng dalawa. Gerry Ocampo