‘Edu’, Rustom,1 pa tiklo sa Bulacan buy-bust

‘Edu’, Rustom,1 pa tiklo sa Bulacan buy-bust

December 5, 2021 @ 4:30 PM 10 months ago


Bulacan- Arestado ang tatlong dumayong pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Calumpit.

Kinilala ang mga dumayong suspek na sina Edward Arcega y Manzano, 33, na sinasabing may alyas “Edu”, Rustom Dela Cruz, 26 at Allan Diaz Jr, 31, residente sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Malolos.

Sa ulat ni Calumpit acting chief of police PLTCOL Ramil Santos kay Bulacan Police director PCOL Manuel Lukban Jr, ikinasa ang operasyon bandang alas-8 ng gabi, nitong Biyernes, sa Brgy.Longos.

Ayon sa ulat, naberipika ng pulisya ang nakarating sa kanilang impormasyon tungkol sa pagbebenta ng iligal na droga ng mga suspek.

Dahil dito, agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa lugar hanggang sa mabilhan si alyas Eduard kasama sina Rustom at Allan kaya sila inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang apat na heat-sealed plastic sachets na pinaghihinalaang shabu at P1,000 buy-bust money.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek. Dick Mirasol III