Educ situation sa Pinas, inilatag ni VP Sara

Educ situation sa Pinas, inilatag ni VP Sara

January 31, 2023 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ang mga pagbabago sa K to12 program upang mas maging ‘responsive’ sa panahon ngayon, school facilities na nangangailangan ng pagkumpuni, private schools na nagsara at ang pangangailangan para sa mas inclusive system, ang mga bagay na inilatag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

“These issues and more are facing learners and teachers,” ayon kay Duterte sa kanyang report sa basic education system, araw ng Lunes.

Sinabi ni Duterte na mula sa 327,851 school building ay 189,324 ang kailangan na kumpunihin kabilang na ang 89,000 na kailangan ng major work.

Sa nasabing istraktura, 21,727 ang hindi na ligtas.

Sinasabing sa 28.4 million enrolees para sa 2022-2023, mayroong substantial decline sa private school enrollment, resulta ng pagsasanay ng 1,600 private schools.

Binanggit din ni Duterte ang inclusivity issues kung saan ang edukasyon ay hindi available sa mga mag-aral mula sa indigenous peoples sa “isolated at poor areas.”

“We need to improve their participation rate in basic education,” anito.

Binanggit din ni Duterte ang depekto sa K to 12 program.

“The ongoing review of the K-12 curriculum has revealed that the curriculum content is congested, that some prerequisites of identified essential learning competencies are missing or misplaced, and that a significant number of learning competencies cater to high cognitive demands,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabi nito na ang programa ay may pasan na “weak” teaching methods na hindi makatutugon sa “new realities in education.”

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ng DepEd ay mayroong hanggang Hulyo para isapinal ang pagsusuri sa K to 12.

Sinabi ni Duterte na tinitingnan din ng education department ang “literacy issues,” tumutukoy sa 2018 study na nagpapakita na ang mga Filipino learners ay naguguluhan sa basic math.

“But studies like these are opportunities for us to thoroughly examine our system and the defects that hurt our children’s abilities,” aniya pa rin

Samantala, sinabi ni Duterte ang mahalagang papel ng mga guro, tinawag niyan ang mga Ito bilang “lifeblood of the Department of Education.”

Aniya, habang ang mga guro ay “dedicated,” kulang naman sa suporta ang mga ito.

“The sad reality is that the system has failed them,” ani Duterte.

“To address these concerns, the department is implementing the MATATAG Agenda, which will hopefully result in a “Bansang Makabata at Batang Makabansa,” ayon Kay Duterte.

Ang MATATAG, tumutukoy sa target ng DepEd gaya ng “Make the curriculum relevant to produce competent, job-ready, active, and responsible citizens; TAke steps to accelerate the delivery of basic education facilities and services; TAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment; and, Give support to teachers to teach better.” Kris Jose