Education Agenda ilulunsad ng DepEd vs problema sa PH basic education

Education Agenda ilulunsad ng DepEd vs problema sa PH basic education

January 15, 2023 @ 12:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) bago matapos ang buwan ang kanilang Education Agenda upang tugunan ang mga suliranin na kinakaharap ng basic education sector ng bansa.

“It’s really to give the public an idea of the steps that this administration will take and also the direction of this administration towards resolving issues in basic education,” pahayag ni DepEd Spokesperson Michael Poa nitong Biyernes, Enero 13.

Ani Poa, ang Education Agenda ay magiging bahagi ng Basic Education Report (BER) 2023 na ipapakita ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Enero 30.

“As we all know, we have problems with school facilities, we have problems with our curriculum which we are currently reviewing, we have problems with literacy and the learning poverty as reported by the World Bank,” sinabi pa ni Poa.

“These are the things that we are aware of and a lot more that we will be presenting in the BER. These are the issues that we want to address in our Education Agenda,” dagdag na pahayag nito.

Maliban sa mga update kaugnay ng basic education resources katulad ng mga school building at pasilidad, kasama rin sa BER 2023 ang K to 12 program at ang suporta sa mga guro at mag-aaral.

Magbibigay din dito ng update kaugnay ng basic education curriculum, kung saan sa kasalukuyan ay nakumpleto na ang review sa curriculum mula Kinder hanggang Grade 10.

“There are still consultations that are ongoing but we are at least in the finalization,” paliwanag niya.

Nagsimula naman noong Nobyembre 2022 ang review para sa curriculum ng
Senior High School (SHS) o Grades 11 at 12.

“Right now, the review is ongoing and if there will be additional updates, that would be included in the BER 2023,” dagdag ni Poa. RNT/JGC