‘Education in the Better Normal’ bill sa Public Education Network, ikinasa ni Win

‘Education in the Better Normal’ bill sa Public Education Network, ikinasa ni Win

August 1, 2020 @ 3:20 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isinusulong ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang isang panukalang batas sa paglikha ng “Education in the Better Normal” bill upang pabilisin ang digital transformation ng Department of Education (DepEd) at palakasin ang bubuuing Public Education Network (PEN) na kumokonekta sa lahat ng pampublikong paaralan at tanggapan ng ahensya sa buong bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) na nangakong lilikhain ang PEN bago siya umalis sa pwesto sa 2022.

Sinabi pa ni Gatchalian na idinagdag ng Pangulo na bibigyan ng prayoridad ang mga last mile schools o sa paaralan sa malalayo, disadvantage at conflict-torn areas dahil walang kuryente at kapus sa konektibidad ang mga eskuwelahan dito.

Isa sa pinakamahalagang probisyon ng Senate Bill No. 1565 na inihain ni Gatchalian ang mandato sa DepEd na palakasin at pagbutihin nito ang kanilang kapasidad sa information and communication technology upang mapabilis ang workflow at proseso sa ahensya.

“Under the proposed measure, the implementation of Republic Act No.10929 or the “Free Internet Access in Public Places Act” will be fast-tracked to provide free connectivity and support distance learning in public schools, especially when school closures occur during emergency situations,” paliwanag ng senador.

“By building on its ICT capacity, DepEd will be able to automate and expedite its services, including enrollment, submission of grades and payments to promote a zero-contact policy. Aside from building a robust ICT infrastructure,” ayon kay Gatchalian.

Magtatayo din ang panukala sa kapasidad ng tauhan at opisyal ng DepEd sa paggamit ng elektronikong kagamitan at suportahan ang department-wide digital transformation.

Kailangan makipag-kolaborasyon ang DepEd sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Science and Technology (DOST) upang maisagawa ang digital transformation ng ahensiya.

Ayon kay Gatchalian, bibigyan ng pagsasabatas ng panukala ang pamahalaan ng malakas na mandato upang isara ang digital divide sa basic education sector partikular kapag nakarekober sa COVID-19 pandemic.

“Nakikiisa tayo sa adhikain ng Pangulong mabuo ang Public Education Network upang gawing mas moderno at matatag ang ating sistema ng edukasyon. Sa pamamagitan ng ating panukalang i-angat ang dekalidad na edukasyon sa ilalim ng better normal, mas mabibigyan natin ng kasiguruhan na ang programang ito ay maisasakatuparan sa mga susunod na taon,” tugon ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Umabot lamang sa 48 porsiyento o 22, 645 mula sa 47, 013 public schools sa bansa ang may konektibidad base sa datos ng DepEd.

Alinsunod sa 14th Report ng Pangulo sa implementasyon ng Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal As One Act, aabot sa P700 million ang inilaan upang magbigay ng internet access sa 7,000 public schools. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...