Education official pinagbabaril sa Tacurong, Sultan Kudarat

Education official pinagbabaril sa Tacurong, Sultan Kudarat

January 19, 2022 @ 12:04 PM 7 months ago


Patay ang isang education supervisor sa Tacurong City, Sultan Kudarat, matapos na pagbabarilin.

Kinilala ang biktimang si Maguindanao-based Javier Kumandi Sr., ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education, na agad na dinala sa ospital matapos ang insidente pero idineklara ring dead on arrival.

Sugatan naman ang asawa niya sa insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon, papauwi na sana ang mag-asawa sa kanilang bahay nang harangin ng mga suspek ang kanilang sasakyan saka pinagbabaril.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksyon.

Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang krimen. RNT