EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA KAPUS-PALAD NA STUDES

EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA KAPUS-PALAD NA STUDES

August 22, 2022 @ 7:24 PM 1 month ago


DINAGSA ng mga mag-aaral,magulang at guardian ng mga kabataan ang mga field office sa bansa ng DSWD sa unang araw nang pamimigay ng ‘Educational Assistance’ na pinangunahan mismo ni Secretary Erwin Tulfo.

Bagaman layunin ng kalihim na makatanggap ng ayudang ito ang mahihirap na estudyanteng pumila sa iba’t-ibang field office ng ahensya subalit hindi inaasahang dudumugin ito ng taumbayan kaya naman hindi maiiwasan ang reklamo nila lalo na ang mga hindi nabigyan ng pangmatrikula sa mga estudyanteng anak ng mga itinuturing na pobreng mga magulang.

Dahil dito, sinalo ng mapagpakumbabang si Tulfo ang puna at batikos ng sambayanang nag-aabang sa tulong ng gobyernong layunin lang naman na maibsan ang gastusin ng kapus-palad na mga magulang sa gitna ng patuloy na krisis na dinaras.

Ngunit sana ay maunawaan ng taumbayan na ang ayudang ito ay para lang sa pobreng mag-aaral na walang kakayahan ang mga magulang na tustusan tuition at hindi para sa mga anak ng mga propesyunal,empleyado ng pribadong kumpanya at kawani ng mga sangay ng gobyernong sapat din naman ang kinikita upang bayaran ang matrikula ng kanilang estudyante.

Sa totoo lang, magkano lang ba ang ayudang ipinamamahagi ng DSWD na P1000,P2000 P3000 atP 4000 sa bawat mag-aaral sa elementarya,high school,senior high at kolehiyo, kung ikukumpara sa mga gastusin sa eskwelahan sa loob ng isang taon?

Ngunit malaking ginhawa na rin ito sa solo parents, OFWs, working students at iba pang magulang na walang -wala ngayong krisis kung saan kulang pa ang itinatabing pera sa pang araw-araw na pagkain.

Ang punto, hindi na dapat makisawsaw pa sa programa ang mga estudyanteng may kakayahan naman ang mga magulang na tustsusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Kaya naman kung may inilalabas na pagbabago si Tulfo sa mga panuntunan ng ayuda, hangarin nito na matumbok ang totoong mahihirap na estudyanteng marapat ay makatanggap ng educational assistance alinsunod sa programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Nais ng Pangulo na matulungan ang nakararaming pobreng mamamayan na mapag-aral ang kanilang mga anak nang sa gayun ay makapagtapos at magkaroon ng magangdang trabaho para sa kinabukasan.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]