‘Educational cooperation’ sa Pinas paiigtingin ng Tsina

‘Educational cooperation’ sa Pinas paiigtingin ng Tsina

July 8, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isusulong ng Chinese government na palakasin ang  “educational cooperation”  nito sa Pilipinas upang mapahusay pa ang pang-unawa ng China sa mga kabataang Pilipino lalo na sa mga mag-aaral.

Ang panukala ay isinagawa sa kamakailan lamang na pagpupulong sa pagitan nina Foreign Minister Wang Yi at Vice President Sara Z. Duterte,  chairman ng Department of Education (DepEd).

Sa isang kalatas, sinabi ni Chinese Ministry of Foreign Affairs (MOFA), na sinang-ayunan ni VP Sara ang panukala at “looking forward” sa prospects sa kooperasyon ng dalawang bansa.

“Wang Yi said education comes first in national development. China is ready to deepen educational cooperation with the Philippines to enhance the understanding and cognition of China among the younger generation of the Philippines, cement the foundation of public support for friendship between the two countries and provide intellectual support for bilateral practical cooperation,” ayon sa ministry.

“China supports more Philippine young people to study in China and will facilitate the return of the Philippine students to China for their studies,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, handa ang Beijing na taasan ang engagement sa  vocational education at language training, at tulungan ang bansa na paghusayin ang teaching facilities at maging ang “modernize its teaching”.

Matatandaang nagkita sina Wang at VP Sara  noong nakaraang Hunyo 6 sa two-day visit ng una sa Pilipinas.

Binati ni Wang si VP Sara at nagpaabot ng “cordial greetings from President Xi Jinping” sa ama ng huli na si dating Pangulong  Rodrigo Roa Duterte.

“Wang Yi said over the past six years, under the care and guidance of President Xi Jinping and former President Duterte, China-Philippines relations have achieved turnarounds, consolidation, and upgrading,”  ayon sa MOFA.

“China appreciates the Philippines for upholding the spirit of independence, safeguarding national dignity and speeding up national development. China is ready to deepen bilateral cooperation in the four key areas of agriculture, infrastructure, energy and culture based on the policy priorities of the new Philippine administration,” dagdag na pahayag ng MOFA. Kris Jose