Edukasyon, sentro sa pulong ni VP Duterte sa US, EU envoys

Edukasyon, sentro sa pulong ni VP Duterte sa US, EU envoys

September 22, 2022 @ 12:08 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Bumida ang basic education programs ng Pilipinas sa naging pagpupulong ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kina United States (US) Ambassador MaryKay Loss Carlson at European Union (EU) Ambassador to the Philippines Luc Véron.

Nag-courtesy call kasi sina Carlson at Véron sa Office of the Vice President (OVP) sa Mandaluyong City, araw ng Miyerkules, Setyembre 21 habang si Duterte ay tumatayo bilang officer-in-charge at habang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nasa Estados Unidos para sa kanyang official trip.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Duterte ang kanilang napag-usapan ni Carlson.

“Sa pagbisita ni US Ambassador Her Excellency MaryKay Loss Carlson sa Office of the Vice President ngayong hapon, napag-usapan namin ang mga programa ng ating tanggapan at ng Department of Education (DepEd),” wika ni Duterte.

Aniya, napag-usapan nila ni Carlson ang mga programang inilunsad ng OVP, gaya ng pagbubukas ng satellite offices sa iba’t ibang lalawigan upang mas maging accessible ang tanggapan at Libreng Sakay program na mapakikinabangan ng mga mananakay sa Kalakhang Maynila tuwing peak hours.

Sa kabilang dako, sa naging tweet naman ni Carlson, binanggit nito ang kanyang naging pulong kay Duterte.

“Great to meet Vice President @indaysara today to discuss bilateral priorities and the achievements of our many U.S.-Philippine educational partnerships. #FriendsPartnersAllies @DepEd_PH,” ang pinost ni Carlson.

Binanggit din ni Duterte sa US envoy sa susunod naman na programa ng OVP.

“Bilang Secretary of Education, binanggit ko din ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030 na naglalaman ng ating mga plano sa pagpapaunlad sa mga kabataang mag-aaral at sa estado ng edukasyon sa bansa,” ayon kay Duterte.

Ang BEDP 2030 ay inilunsad sa panahon ni dating education chief Leonor Briones “to address the current challenges faced by the basic education sector through its four pillars, namely access, equity, quality, and resiliency and wellbeing.”

“It is fully aligned with the Sustainable Development Goals 2030, with Phase 1 focusing on the immediate impacts of COVID-19 on learning an Phase 2 focusing on sustaining the gains and evaluating programs,” ayon sa ulat.

Sa nasabing pa ring post, ibinahagi ni Duterte na ito talaga ang binigyang pansin niya sa kanyang pakikipagpulong kay Véron dahil ang bansang Finland, bahagi ng EU, ay ang pangunahing bansa sa Basic Education.

“Isa sa karanasan ng Finland sa lagi naming pinag-uusapan sa Department of Education,” anito.

“Nagpahayag naman ng kahandaan ang EU Ambassador na tulungan ng Pilipinas upang mas mapalakas pa ang sektor ng edukasyon dito sa bansa,” dagdag na pahayag ni Duterte.