Edward, bet jowain si Janine!

Edward, bet jowain si Janine!

March 18, 2022 @ 4:18 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Malapit si Edward Barber sa TV host na si Robi Domingo na itinuturing niyang big brother.

Katunayan, ito raw ang naging hingahan niya noon sa mga naging  problema sa personal na buhay at maging sa karera.

Nagsilbing guide rin daw niya sa Pinas si Robi lalo pa’t nasa Germany ang kanyang mga magulang.

Ito ang na-disclose niya nang mag-guest siya sa online benefit show na Typhoon Odette: Isang Daan sa Pagtutulungan.

Bagama’t hindi naman tinumbok ni Edward ang tungkol sa kanyang pinagdaanan, marami ang humula na may kinalaman ito sa naging pagsubok sa loveteam nila ni Maymay Entrata.

Nagkaroon kasi ng kontrobersya ang love team nila nang matsismis na may ibang karelasyon si Edward dahilan para mawala ang tiwala ni Maymay sa kanyang reel screen partner.

Katunayan, nagkaroon ng pahayag noon na magko-concentrate muna ang dalawa sa kanilang separate careers pagkatapos magkaroon ng isyu sa kanilang tandem.

Pero sa ngayon, tila water under the bridge na ang lahat dahil maayos na ang relasyon nila ni Maymay kahit hindi bilang love team partner.

Sa nabanggit na event din, ibinuking ni Robi na si Edward daw ay isang sweet lover bagama’t hindi na niya ito inesplika.

Sa online show, natanong din kay Edward kung sino sa mga artista ang bet niyang tropahin o dyowain.

Ani Edward, trotropahin daw niya sina Sue Ramirez, Alexa Ilacad, Lovi Poe, Alyssa Valdez, Chie Filomeno, Ivana Alawi at iba pa.

Bet daw niyang dyowain si Janine Gutierrez dahil kinilig daw sila ni Darren Espanto noong una nila itong makita sa ABS-CBN. Archie Liao