Eersel pinasuko si Murtazaev   

Eersel pinasuko si Murtazaev   

December 6, 2021 @ 2:03 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pagpapasuko sa giyera ang ipinatikim ni ONE Lightweight Kickboxing World Champion Regian Eersel  kay Islam Murtazaev sa bisa ng split decision win upang manatili ang world title sa kanyang baywang sa main event ng nagbabalik na ONE Winter Warriors na isinaere ng live mula sa Singapore Indoor Stadium noong Sabado ng gabi.

Malakas sa una si Murtazaev sa binibitiwang kombinasyon, pero sa 3rd round, nakabawi si Eersel at tinapos ang laban sa winning streak na 18 at may 6-0 win loss sa ONE Circle.

Sa co-main event, pinasuko ni  #2-ranked atomweight contender Stamp Fairtex si  #4-ranked Ritu Phogat sa second round upang mapagwagian ang ONE Women’s Atomweight World Grand Prix Championship. Agresibo sa una si Phogat sa kanyang takedowns. Gayunman, ang former ONE Atomweight Muay Thai at Kickboxing World Champion ay nagpakita ng matinding depensa sa takedowns para hindi makaposisyon si Phogat. Sa 2nd round, isang triangle choke ang isinukol ni Stamp kay Phogat sa mat at pumosisyon sa armbar para mag-tap sa 2:14 marka.

Tinalo ni #3-ranked  bantamweight kickboxer Hiroki Akimoto si Chinese superstar Qiu Jianliang sa kanyang promotional debut sa bisa ng UD victory.

Magandang laban naman ang ipinakita sa pivotal lightweight mixed martial arts clash nina #3-ranked Dagi Arslanaliev at #5-ranked Timofey Nastyukhin. Si Dagi ang nanaig sa bisa ng technical knockout sa 3rd round.

Hindi naman nakahinga sa rear-naked choke ni Brazilian Jiu-Jitsu legend Marcus “Buchecha” Almeida ang tinaguriang unbeaten knockout artist na si Kang Ji Wong, upang tapusin agad ang South Korean sa first round ng heavyweight bout.

Unanimous decision win naman ang nasungkit sa isang  explosive card ni #3-ranked flyweight contender Yuya Wakamats na dinomina ang  rising star na si Hu Yong  judges’ scorecards.JC