‘Efficiency’ ng FOI tiniyak ng PIA

‘Efficiency’ ng FOI tiniyak ng PIA

September 2, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nangako ang Philippine Information Agency (PIA)  na pahuhusayin pa nito ang “accessibility” ng  government data para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino.

Tinanong kasi ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Rep. France Castro ang estado ng freedom of information (FOI) sa bansa sa idinaos na House committee hearing on appropriations ukol sa panukalang 2023 budget ng Office of the Press Secretary (OPS), araw ng Biyernes.

Subalit, nilinaw ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi na hinahawakan ng OPS ang FOI requests at sa halip ang PIA, bahagi ng  Office of the President,  ang gumagawa nito ngayon.

Bilang tugon sa tanong ni Castro, sinabi ni PIA Deputy Director General Karl Fajardo na ang FOI services ay dapat na maging maayos dahil ang  PIA ay mayroong 16 na  regional offices at 78 provincial offices sa buong kapuluan.

Aniya, “this would make it possible for their officers to handle more Freedom of Information Act (FOI) requests and lobby for FOI-related laws in front of local government units.”

Binanggit naman ni Castro  ang pangangailangan na mapakinggan ang commitment ng PIA na kilalanin ang FOI, tinukoy ang “previous struggles in gaining access to some government officials’ statements of assets, liabilities and networth (SALN).”

Ang pangako naman ni Fajardo “FOI program under the PIA would operate more efficiently since they already have existing means of ensuring that the purpose of FOI requests is appropriately stated and evaluated.”

“Dalawa po iyong purpose noon. To provide iyong accurate na request for information and at the same time, to make sure din po na magagamit sa intended purpose and lawful purpose iyong pag-request ng information,” aniya pa rin.

At nang tanungin ukol sa inisyatiba ng PIA  na maging mas  accessible ang FOI request sa mga persons with disabilities (PWDs), sinabi ni Fajardo  na makikipag-ugnayan sila sa  National Council of Disability Affairs upang lumikha ng programa at polisiya  na makapagbibigay ng  “preferential priority” para sa  “PWDs requesting information.”

Giit pa ni Castro ang pangangailangan na magkaroon ng  Filipino Sign Language interpreters na hahawak sa  FOI requests –rekumendasyon na ang pangako ni Fajardo ay isama sa plano ng PIA na makapagbigay ng  accessible information sa PWDs. Kris Jose