Eid al-Adha matagumpay; Paghilom ng mundo, ipinanalangin

Eid al-Adha matagumpay; Paghilom ng mundo, ipinanalangin

July 31, 2020 @ 12:54 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa kabila ng kinakaharap na pandemya, naipagdiwang pa rin ng mga kapatid na Muslim ang Eid al-Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw.

Maaga pa lamang ay nagtipon-tipon na ang mga kapatid na Muslim sa Quiapo upang sama-samang magdasal sa Golden Mosque.

Bilang pag-iingat naman sa banta ng COVID-19 ay nagpatupad ng mahigpit na health protocol sa mosque.

Kailangan ang mga papasok sa mosque ay may suot na facemask  at bago makapasok ay kinukunan din ng temperature.

Sa loob naman ng mosque kung saan sila taimtim na nagdarasal ay may social distancing din.

Panalangin naman ng karamihan ang paghilom ng mundo mula sa coronavirus disease at sa mga naging epekto nito.

Bagamat kakaiba ang pagdiriwang ngayon ng mga kapatid na Muslim sa Eid Al-Adha, isa pa rin itong importanteng araw sa Muslim calendar na kailangang ipagdiwang na may mahigpit na pagsunod sa minimum health standards o protocol. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...