Eid’l Adha idineklara nang regular holiday sa Hulyo 9

Eid’l Adha idineklara nang regular holiday sa Hulyo 9

July 6, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa ang araw ng Sabado, Hulyo 9, 2022 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).

Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ay isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.

Sa bisa ng Republic Act No. 9849, ang tenth day ng Zhui Hijja, 12th month ng ISlamic Calendar, ang national holiday para sa pagdiriwang ng Eidul Adha (Eid’l Adha) ay maymovable date.

 

 

Pagsunod sa 1442 Hijrah Islamic Lunar Calendar, ang National Commission on Muslim Filipinos ay inirekumenda na ang Hulyo 9, 2022, araw ng Sabado, ay ideklarang national holiday bilang pagdiriwang sa Eid’l Adha.

Ang pagdiriwang ng Eid’l Adha ay dapat na “subject to the public health measures” ng national government. Kris Jose