Eid’l Fitr, generally peaceful-MPD

Eid’l Fitr, generally peaceful-MPD

June 15, 2018 @ 2:45 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Generally peaceful ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ngayong araw, June 15 ayon sa pamunuan ng Manila Police District (MPD).

Ani MPD Chief Supt. Rolando Anduyan, naging matagumpay ang selebrasyon ng mga Muslim sa Quirino Grandstand.

Ito ay sa tulong na rin ng mahigit 200 pulis na ipinakalat para magbigay seguridad.

Bukod sa mga nakaposteng pulis, nagtalaga rin ng Special Reaction Unit sa lugar habang mayroon ding advance command post at karagdagang traffic personnel para magmando ng trapiko.

Alas-3 pa lamang ng madaling araw ay nagsidatingan na ang mga Muslim sa Luneta kasama ang kani-kanilang pamilya para sa tradisyonal na selebrasyon.

Nagsimula ang kanilang pagdarasal o imam ang kutba tul ed  dakong alas-7 ng umaga at natapos ito ng alas-8.

Nasa 5,000 muslim ang tantya ng MPD na nakiisa sa pagtatapos ng Ramadan. (Jocelyn Domenden/ Litrato ni Crismon Heramis)