EIIB ASSET MUNTIK MATODAS SA SMUGGLING NG OIL MAFIA

EIIB ASSET MUNTIK MATODAS SA SMUGGLING NG OIL MAFIA

March 22, 2022 @ 10:52 AM 3 months ago


IBINUNYAG ng isang EIIB Asset ang talamak na Oil Mafia smuggling sa Mariveles, Bataan at kinukumbinsi umano ang naturang asset sa pamamagitan ng halagang P10 M para ihinto nito ang pagsisiwalat ng malawakang oil smuggling.

Ayon sa EIIB Asset, hindi niya tinanggap ang alok sa kanya na P10M kapalit nang paghinto nito sa ginagawang imbestigasyon na may kinalaman sa nasabing mafia.

Sinabi pa ng EIIB Asset, pinagpatuloy raw niya ang kanyang imbestigasyon laban sa talamak na sindikato ng oil smuggling.

Dahil dito, ayon pa sa EIIB Asset, pinasok ang bahay na tinitirahan niya ng 8 lalake noon daw Dec. 20,1997 at kunuha ‚Äėyung kanyang 9mm na Roger na baril na in-issue sa kanya ng EIIB at lumabas ang pito at natira ang isa.

Pagkadapa umano raw niya, natanggal ang apat na ngipin niya at naging duguan siya. Ang isang bantay lumabas para umihi sa pag-aakalang groge ang nasabing EIIB Asset at iniwanan ito.

Napag-alaman pa na noong lumabas na ang nasabing bantay, pinatay ng EIIB ang ilaw bago niya kinuha ang upuan na bakal at pagpasok ng lumabas ay hinampas niya ito sa mukha.

Dagdag pa ng EIIB Asset na naririnig niya ang sabi ng mga kasama na ‚Äėwag muna siyang patayin at dadalhin pa raw nila¬† sa kanilang bosing habang patuloy naman ang pagtakas sa kusina ng naturang EIIB Asset.

Ngunit sa loob ng tatlong minuto lang ay pinaputukan na siya.

Ayon pa sa EIIB Asset, pinaputukan daw siya ng armalite ngunit hindi siya tinamaan at nagtahulan ang mga aso kaya nakalabas ang naturang Asset sa kalsada.

Sumakay raw siya ng taxi habang siya ay nasa klasada papuntang Fort Bonifacio, kay Col. Romeo Miguel na CEO ng nasabing EIIB Intellegence group.

Pagdating daw niya, doon siya sinabihan na ang tumira sa kanya ay sindkato ng OIL Mafia. Dinala na ang naturang EIIB Asset sa Alabang Gillss kay Comm. Lara makaraan.

Dagdag pa ng EIIB Asset, tinanong daw siya ni Comm. General Lara kung bakit hindi raw siya lumaban. Ipinaliwanag ng EIIB Asset na walo sila at naunahan siyang pinukpok ng baril sa mukha na ikinatanggal ng kanyang mga ngipin. Noon din, nagbigay ng P10K si Gen. Lara para dalhin ang EIIB Asset sa Fort Boifacio Hospital.                                       (ITUTULOY)

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]