MANILA, Philippines – Nakuha ni EJ Obiena ang kanyang unang titulo ng 2023 indoor season, nanguna sa Perche en Or competition sa Stab Velodorome sa Roubaix, France.
Nakuha ni Obiena ang 5.82 meters para manguna sa kompetisyon, tinalo si Yao Jie ng China, na nagrehistro ng 5.75 meters.
Si Ethan Cormont ay pumangatlo na may 5.65 sa kaganapan, bahagi ng World Athletics Indoor Tour Challenger subgroup, na umani ng 12 kakumpitensya.
Si Obiena ay nagmula sa pangalawang puwesto sa kanyang unang torneo na ginanap sa Germany.JC