EJ Obiena lumundag ng gold sa Sweden

EJ Obiena lumundag ng gold sa Sweden

June 29, 2022 @ 12:09 PM 2 months ago


MANLA, Philippnes – Nagtakda si EJ OBIENA ng bagong season best sa pagsungkit nito ng gold medal sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.

Na-clear ni Obiena ang 5.92 metro sa kanyang pagkuha ng ginto sa kanyang unang paglahok sa kumpetisyon mula nang makumpleto ang quarantine dahil sa COVID-19.

Nalampasan ng Filipino pole vaulter ang kanyang dating personal best na 5.85 meters na itinakda nito  sa Italy sa isang meet matapos manalo ng kanyang ikalawang ginto sa 31st Southeast Asian Games.

Kulang lang ng.01 ang kanyang nagawang record sa personal best nito sa at Asian record na 5.93 na itinakda niya sa Austria noong Setyembre 2021.

Pumangalawa si Thiago Braz ng Brazil na may 5.82, kung saan pumangatlo si Simen Guttormsen ng Norway na may 5.72.

Sa isang panayam ilang araw bago ang kompetisyon, sinabi ni Obiena na kailangan niyang magpahinga mula sa pagsasanay dahil sa virus na naging dahilan din para hindi ito makalahok sa dalawang kumpetisyon kabilang ang Diamond League sa Oslo.

“I feel better now. Trying to get back in shape after being quarantine and isolated for seven days,” ani Obiena.JC