Ejercito: Dapat may managot sa New Year’s day aviation mess

Ejercito: Dapat may managot sa New Year’s day aviation mess

January 10, 2023 @ 3:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng senador nitong Martes na “heads must roll” para sa New Year’s Day air traffic fiasco, kung saan mahigit 65,000 pasahero ang naapektuhan sa buong bansa.

Nakatakdang imbestigahan ng Senate Committee on Public Services ang aberya sa aviation sa Huwebes, Enero 12.

“I would want to find out first what really happened, if it’s command responsibility, if it’s CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) or whatever agency is really remiss or found negligent then some heads really had to roll,” ani Sen. JV Ejercito.

Binigyang-diin niya na hindi na ito dapat maulit ang halos 300 flights na nakansela, na-delay o nalihis.

“In the aviation industry, there’s no room for error because this… can be catastrophic,” dagdag ni Ejercito.

“The air traffic management system that’s in charge of communication, navigation and surveillance has to be working 100 percent all the time because it concerns air traffic safety and also national security.”

Nang tanungin kung dapat managot ang bagong transportation chief sa insidente, sabi niya: “It’s also unfair to put the blame already on the new DOTr (Department of Transportation) Secretary Jaime Bautista because he just assumed.”

“With that, I really would want to get more information kung sino talaga ang responsable.”

Natukoy ang “technical issue” sa aviation noong umaga ng Enero 1 na kinasasangkutan ng air traffic management center sa domestic at international airport ng Manila.

Nagkaroon ng outage sa pagbalik ng maraming tao sa kabisera para magtrabaho at mag-aral pagkatapos ng pahinga noong Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Bautista na pumalya ang air traffic management center, na kumokontrol sa inbound at outbound flights, dahil sa pagkawala ng kuryente na nagresulta sa pagkawala ng komunikasyon, radyo, radar at internet. RNT/SA