Ejercito nangamba sa mas dumaming military facilities sa WPS

Ejercito nangamba sa mas dumaming military facilities sa WPS

November 11, 2022 @ 10:54 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pagkabahala si Senador JV Ejercito nitong Huwebes, Nobyembre 10 sa mas dumaraming military facilities sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Ejercito, ang mga pasilidad na ito ay nasa mismong disputed maritime area pa.

“I’m more concerned with the recent pictures that were shown doon sa West Philippine Sea na talagang full military base na siya na functioning at mukhang dumadami pa,” aniya.

“Masyado nang malapit and those are disputed waters,” dagdag ng Senador.

Kasabay nito ay nagpahayag din ng suporta si Ejercito sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon naman sa maritime security expert na si Jay Batongbacal, sa mga kumalat na larawan ng West Philippine Sea, ang mga military facilities ng China ay aktibong nagsisilbing armed bases para sa intelligence, surveillance at reconnaissance ng naturang bansa. RNT/JGC