EJKs ‘di pinapayagan’ sa ilalim ng Duterte admin

EJKs ‘di pinapayagan’ sa ilalim ng Duterte admin

January 26, 2022 @ 11:03 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Todo-depensa ang Malakanyang sa war on illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinanindigan ng Malakanyang na ang extrajudicial killings ay hindi parusa sa ilalim ng kampanya.

“Ipinagbabawal natin ang EJK, bawal po ‘yan. Bawal ang any extrajudicial means. At kung sinuman ang kailangang parusahan, sinuman ang naakusahan, kung sinuman ang gumawa ng ganoon ay ipo-prosecute natin,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Pangalawa po, wala pong sinayang si Pangulong Duterte dito sa laban against illegal drugs and the facts will speak for themselves,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Tugon ito ni Nograles sa naging pahayag ni presidential aspirant Sen. Ping Lacson na nagsasabing “sayang” ang drug war ni Pangulong Duterte at binatikos kung paano ito nauwi sa “extrajudicial means.”

Iniulat ni Nograles na nakakumpiska at sinira ng gobyerno ang ₱74 bilyong halaga ng illegal na droga simula 2016 hanggang Nobyembre ng nakaraang taon, kasama na ang laboratory equipment at paraphernalia.

“Over 23,600 barangays nationwide have been cleared from the grip of the illegal drug trade,” ayon kay Nograles.

“Hindi po nasayang ‘yung pagkakataon at patuloy pa rin po ang ating malawakang campaign against illegal drugs here in the country,” aniya pa rin. Kris Jose