Ekonomiya, kalusugan nais balansehin ni PBBM

Ekonomiya, kalusugan nais balansehin ni PBBM

October 26, 2022 @ 8:31 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa.

Nabanggit ni Marcos ang bagay na ito sa pakikipagpulong niya kay World Health Organization Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nag-courtesy call sa kanya nitong Martes, Oktubre 25.

“During their meeting, Marcos emphasized the necessity of finding a balance between the economy and people’s safety during the meeting, citing the effectiveness of the government’s COVID-19 vaccine campaign,” ayon sa Office of the Press Secrtetary (OPS).

“The President also called for a renewed focus on general public health concerns as cases of other diseases increase,” dagdag pa nito.

Sa ulat, tumaas na rin kasi ang bilang ng iba’t ibang sakit sa bansa gaya ng cholera, measles, rubella, leptospirosis, at dengue.

Base sa data of the Department of Health (DOH), may kabuuang 3,729 cholera cases ang naitala sa bansa simula Enero 2022, sinasabing 282% ang itinaas kumpara sa data sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Tinuran pa ng departamento, may kabuuang 450 measles at rubella cases ang naitala mula Enero 1 hanggang Setyembre 17, 2022, na 153% ang itinaas kumpara sa mga naitala ng kaparehong panahon noong nakaraang taon na 178 cases lamang.

Para sa leptospirosis, sinabi ng DOH na mayroong 1,770 kaso ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 27 ngayong taon, 36% ang itinaas kumpara sa naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon na mayroon lamang 1,299 cases ang naitala.

Samantala, mayroon namang kabuuang 118,785 dengue cases ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, na 143% ang itinaas kumpara sa naitala ng kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Maliban naman kay Tedros, nakipagpulong din ang Pangulo kay dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair sa hiwalay na courtesy call sa Malakanyang ng kaparehong araw.

Si Tedros ay nasa Pilipinas para magpartisipa sa 73rd World Health Organization Western Pacific Regional Committee Meeting (WPRCM) sa Maynila mula Oktubre 24 hanggang 28.

Kasama ni Tedros sa meeting nito kay Pangulong Marcos sina WHO Chef de Cabinet Dr. Catharina Boehme at Director of Programme Management Dr. Corinne Capuano ng WHO Western Pacific Regional Office.

Kasama naman ng Pangulo si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr. Lagdameo at Department of Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Kris Jose