EKONOMIYA, MAGIGING MATATAG DAHIL SA HIRAC 

EKONOMIYA, MAGIGING MATATAG DAHIL SA HIRAC 

March 9, 2023 @ 1:16 PM 2 weeks ago


ISA sa requirements para sa submission ng occupational safety and health program ang hazard identification, risk assessment and control o HIRAC.

Kinakailangang suriin muna ng kompanya kung angkop at kumpleto ang nilalaman ng dokumento bago ito aprubahan at tanggapin ng nakasasakop na regional office ng Department of Labor and Employment.

Sa pamamagitan ng HIRAC malalaman ng management at mga empleyado ang susuunging panganib o risk, ang impact nito at  mga solusyong praktikal upang maiwasan ang aksidente at sakit sa patrabaho. Siyempre, hindi naman magkakaroon ng risk kung walang hazard. Kaya mga hazard ang dapat unahing alamin at ilista ng kompanya sa kanilang dokumento.

Upang malaman ang bawat hazard ng isang activity, kailangang suriin at pag-aralan ng nakatalagang risk assessor/s ang work method o proseso, accident/incident report, safety data sheet ng kimikal na gagamitin, resulta ng OSH inspection at audit, good manufacturing practice, original equipment manufacture, lugar na pinagtatrabahuhan at iba pa.

Ang mga hazard tulad ng fire, working at height, inhalation of fumes o inhalation of toxic chemical vapour ay maaaring magdulot ng aksidente at sakit.

Sa HIRAC, inililista ang hazard at kailangang idetalye kung anong role sa organisasyon ang maaaring masaktan o magkasakit at kung papaano sila tatamaan.

Halimbawa, papaano masasaktan ang welder kung may hazard na “fire” o magkasakit kung may hazard na “inhalation of fumes.” Kailangan ng masusing analysis at evaluation para malaman kung gaano kalaki ang posibilidad na mangyari ang aksidente, gaano kalala ang impact kung mangyayari man ito at level ng kalkuladong risk.

Kabilang sa HIRAC ang paglalapat ng control measures o solusyon. Ibinabase ito sa mga minimum requirement sa ilalim ng pinaiiral na OSH standard ng DOLE at best practices ng kompanya para mapanatiling mababa ang risk.

Hindi uubra ang paniniguro lang, kailangang specific, measurable, achievable, realistic and time-bounded ang bawat solusyong inilalatag.

Kung hindi pa sapat ang mga solusyong available, kailangang maglista, desisyunan at ipa-implement ang mga dagdag na solusyong makapagpapababa ng panganib.

Mahalagang i-monitor at siguruhing naipatutupad ang lahat ng mga solusyong inilatag.

Sa pamamagitan ng ganitong sistema, maiiwasan ang aksidente, sakit at maiiwasan na rin ang anomang sigalot sa pagitan ng employer at employees.

Hindi malayong maging matatag at mapalago ang ating ekonomiya dahil sa pagiging produktibo ng mga kompanyang may effective, suitable at sufficient na HIRAC.

Mag-aral ng HIRAC at OSH. Kontakin at kumonsulta sa <oshc.dole.gov.ph> para sa detalye ng mga kurso.