Ekonomiya mas gaganda kung isasailalim ang NCR+ sa MGCQ – Bello

Ekonomiya mas gaganda kung isasailalim ang NCR+ sa MGCQ – Bello

May 31, 2021 @ 11:29 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas mainam sa ekonomiya ng bansa kung isasailalim ito sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Hunyo.

“Mas maganda nga kung maging MGCQ na para lumago ang negosyo. Gagalaw ang ekonomiya. Kapag nangyari ‘yan, gaganda rin ang employment kaya ‘yan ang hinihintay namin,” saad ni Bello sa panayam.

Ang NCR Plus ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions.”

Ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), nakatakdang pag-usapan ngayong Lunes ang quarantine classification para sa susunod na buwan.  RNT/FGDC