Ekonomiya ng bansa malayo sa recession – Pangandaman

Ekonomiya ng bansa malayo sa recession – Pangandaman

November 10, 2022 @ 4:05 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na ang kasalukuyang ekonomiya ng bansa ay malayo sa recession.

Ito ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman nitong Huwebes, Nobyembre 10 kung saan patunay dito ang 7.6% na economic expansion ng bansa sa ikatlong bahagi ng 2022.

Matatandaan na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong bahagi ng 2022 sa 7.6% mula sa 7.5% sa second quarter ng taon.

“This confirms that the outlook for the economy is positive,” sinabi ni Pangandaman na bahagi ng economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“We continue to support this with a firm fiscal consolidation plan. We can move forward with confidence that the Philippine economy is sound and far from recession,” dagdag pa niya.

Makikitang dahilan din ng pag-usbong ng ekonomiya ng bansa ang pagbubukas ng mga negosyo, mas mataas na mobility sa mga mamamayan at pagbabalik ng in-person classes.

Gumagawa rin ng inisyatibo ang pamahalaan na matugunan ang problema sa unemployment at kahirapan.

Bilang pagtatapos, ibinahagi din ni Pangandaman na nakadagdag pa sa pag-arangkada ng ekonomiya ng Pilipinas ang paglago ng wholesale at retail services, financial at insurance activities at konstruksyon. RNT/JGC