Ekonomiya ng Pilipinas lumago sa 5.6 porsyento sa 2021; target nalagpasan

Ekonomiya ng Pilipinas lumago sa 5.6 porsyento sa 2021; target nalagpasan

January 27, 2022 @ 12:10 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas nang mas mabilis kaysa sa inaasahan sa 5.6 percent growth rate noong 2021 kung saan ang Growth Domestic Product ay lumago sa 7.7 percent sa ikaapat na kwarter, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sa inilabas pa na datos ng Statistics bureau, sinabi nito na ang 2021 GDP growth ay mas mataas sa target na 5 hanggang 5.5 percent target na itinakda ng Development and Budget Coordination Committee noong Disyembre.

Habang ang natamong growth sa ikaapat na kwarter ay lubos na tumaas kumpara sa mga naunang kwarter ng 2021, ayon pa sa PSA.

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ang nominal GDP noong nakaraang taon ay sobrang lapit na sa nominal GDP bago ang pandemya.

Paliwanag ni Map ana ang GDP noong 2020 ay bumulusok sa P17.939 trillion, pero muling bumangon sa P19.387 trillion nitong 2021, habang P19.518 trillion naman ito noong 2019 bago ang pandemya.

β€œSo if we compare 2021 versus 2019, current prices, we are down by about P131 billion or estimated 0.7 percent,” dagdag pa ni Mapa.

Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na dahil dito, tumaas ang kumpyansa ng economic managers para sa posibleng pagbabalik ng ekeonomiya ng bansa na kaparehas noong wala pang pandemya.

Ipinagpasalamat naman ni Chua ang nasbaing paglago ng ekeonomiya sa pinaluwag na kwarantin at sa tuloy-tuloy na vaccination drive ng bansa.

β€œWe are on the correct path to a resilient recovery,” pagsisiguro pa ni Chua.

Sa panig naman ng PSA, sinabi nila na nakapag-ambag ng malaki s amalakas na ikaapat na kwarter at full-year growth ang: manufacturing; wholesale at retail trade; repair ng motor vehicles at motorcycles; at konstruksyon.

β€œAmong the major economic sectors, Agriculture, forestry, and fishing, Industry and Services all posted positive growths in the fourth quarter with 1.4 percent, 9.5 percent, and 7.9 percent, respectively,” ayon pa sa PSA. RNT