Ekonomiya ng Pilipinas pabalik na sa pre-pandemic level – NEDA

Ekonomiya ng Pilipinas pabalik na sa pre-pandemic level – NEDA

May 8, 2022 @ 3:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakahanda na ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagbabalik nito sa pre-pandemic level habang tuluyang binubuksan ang bansa lalo na sa sektor ng pagbiyahe at turismo.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua, nilagdaan na ang executive order kung saan nakasaad ang “ten-point policy agenda” ng pamahalaan.

Layo nito na mapabilis ang pagrekober ng ekonomiya ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagluluwag ng restriksyon at pagpapabilis ng vaccination program.

“Executive Order (EO) No. 166, signed a few weeks ago, fully opens the economy, and we are working on getting tourists back [and] getting travel back to as normal as possible,” pahayag ni Chua.

Noong Abril, iniulat ng Department of Tourism na mahigit 200,000 foreign tourists ang bumisita sa bansa matapos na buksan ang border noong Pebrero. RNT/ JCM