Ekonomiya ng Pinas lalago sa ika-27 pwesto

Ekonomiya ng Pinas lalago sa ika-27 pwesto

December 28, 2022 @ 7:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – NAKIKITANG tataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makokopo ang 27th spot bilang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo sa 2037.

Sa World Economic League Table (WELT) 2023 ng Centre for Economics and Business Research (CEBR), ang pagtataya sa ulat, ang Pilipinas ay tatalon ng 11 notches sa rankings, magmumula sa electronics manufacturing sector.

“The Philippines is projected to continue its growth run in the coming years… lifting the country from 38th spot in the ranking as of 2022 to 27th by 2037,” ayon sa CEBR.

Inaasahan kasi ng CEBR na ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay makapagtatala ng isang average growth na 5.3% sa susunod na limang taon.

Sa pagitan ng 2028 at 2037, winika pa ng CEBR na “Philippines could keep a “relatively high” GDP growth “at a further 5% per annum.”

Tinuran ng CEBR na ang Pilipinas at iba pang bansa gaya ng Bangladesh at Vietnam, ay maaaring mapalakas ang kanilang katayuan sa pamamagitan ng “securing a niche in the global value chain and improving labor productivity.”

Matapos lumiit ng 9.5% noong 2020, kapansin-pansin naman ang pagbangon ng local economy mula sa pananalasa ng COVID pandemic simula pa noong nakaraang taon.

Nangako naman ang administrasyong Marcos na hindi na ito magpapatupad ng hard lockdowns upang mas lalong mapalakas ang economic activities.

“The economy has been buoyed by a tight labor market, with the share of the labor force not in work estimated to have fallen by 2.0 percentage points to 5.7% in 2022. The high number of people in employment is a key strength for the economy, ensuring that consumer spending can be supported in the short to medium term,” ayon sa CEBR. Kris Jose