Ekonomiya ng Pinas, mabilis pang lalago- World Bank

Ekonomiya ng Pinas, mabilis pang lalago- World Bank

September 28, 2022 @ 12:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakikita ng World Bank ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon kahit pa mayroong inaasahang paghina sa East Asia at Pacific.

Ito ay batay na rin sa pinahuling pagtataya ng World Bank.

Ayon kay World Bank chief East Asia and the Pacific economist Aaditya Mattoo, sa kanilang pagtataya, may 6.5% growth para sa Pilipinas, tumaas mula sa kanilang 5.7% projection.

Ang pinakabago ring pagtataya ay sinasabing “lower end of economic managers’ target band of 6.5-8% for 2022.”

Ani Mattoo, ang pinakamataas na pagtataya ay dahil sa kombinasyon ng “mataas na domestic demand, maayos na export figures, at pagbabalik ng turismo”

Tinukoy din nito ang “revival of public and private investment.”

“Even though while some aspects of Philippines’ monetary policy may have tightened, its fiscal policy seems to us to at least (be) a little bit more accommodative and therefore, that is the reason we upgraded,” ayon kay Mattoo.

Sa ulat, itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang policy rate nito ng 225 basis points simula Mayo sa gitna ng pagsirit ng inflation, dahilan upang ang key interest rate ay pumalo sa 4.25% “as of September.”

Sinabi pa ni Mattoo na “the strong bounceback in the Philippines’ private consumption” ay naobserbahan din sa maraming bansa sa rehiyon.

“The multilateral lender expects a 5.3% growth for East Asia and the Pacific sans China this year, quicker than 2.6% in 2021 on top of laxer pandemic-related restrictions,” ayon sa ulat.

“However, if the world’s second largest economy is included, the region is seen to expand by only 3.2% in 2022, with China accounting for 86% of its output. This is slower than the WB’s previous 5% forecast and 7.2% growth last year.”

“The WB estimates a 2.8% growth for Beijing this year, which it calls a “sharp deceleration” from last year’s 8.1% rate amid “public health measures to contain outbreaks of the virus, inhibiting economic activity.” ayon pa rin sa ulat.

Nagbabala naman ang organisasyon ng mababang demand para sa “exports of commodities and manufactured goods” ng rehiyon sa gitna ng global economic slowdown.

Napuna naman ng World Bank ang capital outflows at mahinang currencies sa ilang bansa sa rehiyon dahil sa interest rate hikes sa ibang bansa bilang tugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Policymakers face a tough tradeoff between tackling inflation and supporting economic recovery,” ayon kay Mattoo sabay sabing “Controls and subsidies muddy price signals and hurt productivity. Better policies for food, fuel, and finance would spur growth and insure against inflation.”