Ekonomiya ng Pinas makikipag-karera sa Vietnam, India sa 2023 – Salceda

Ekonomiya ng Pinas makikipag-karera sa Vietnam, India sa 2023 – Salceda

January 1, 2023 @ 2:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda na makikipagkarera sa Vietnam at India ang Pilipinas bilang fastest growing major economy sa Asia-Pacific ngayong taon, 2023.

Ito ang inihayag ng mambabatas nitong Linggo, Enero 1 kung saan umaaasa siyang lalago pa ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The sense of gloom from some projections does not come from Philippine fundamentals but from expectations of global economic slowdown,” pahayag ni Salceda.

“I’m much more confident about the Philippine outlook. I think we will see inflation ease next year, and the jobs numbers, which now exceed pre-pandemic levels, inspire some confidence,” pagdidiin niya.

Nakakakita rin umano si Salceda ng mga senyales na nasa tamang direksyon ang ekonomiya ng bansa partikular na sa pribadong sektor.

“The most recent official manufacturing numbers showed that the fastest growth rate was in manufacture of machinery and equipment except electrical. The sector posted the highest annual growth rate of 76.4 percent in October 2022. That tells you that more businesses are preparing to make more things,” sinabi pa niya.

“Latest manufacturing figures showed that the industry division with highest average capacity utilization for October 2022 was manufacture of computer, electronic and optical products. That’s our top export sector. So, I am optimistic about growth in that sector.”

Para kay Salceda, kung mapananatili ang momentum ay makakasama sa karera ng fastest growing major Asian economy sa 2023 ang bansa, at ang susi dito ay ang mas hikayatin ang mga mamumuhunan dito sa bansa kaysa sa Vietnam o India. RNT/JGC