Ekonomiya, tourism potential ng dating kampo ng MILF palalakasin ng PH gov’t

Ekonomiya, tourism potential ng dating kampo ng MILF palalakasin ng PH gov’t

July 3, 2022 @ 1:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Target  ng pamahalaan na mas lalo pang palakasin ang “socio-economic potential at tourism opportunities” sa Bangsamoro communities,  partikular na sa natural resources na  available sa loob ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) areas.

Inihayag ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na nagsagawa ng  ‘site visit at scoping activity” sa Camp Abubakar ng MILF sa Barira Maguindanao ang delegasyon mula sa Mindanao Development Authority (MinDA) kamakailan.

Layunin nito na i-assess ang economic opportunities at personal na makita ang resources sa nabanggit na lugar.

Ang delegasyon ay pinangunahan ni Secretary Maria Belen Sunga Acosta, MinDA chairperson,  kasama sina Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Transportation and Communication Minister Dickson Hermoso at Members of Parliament (MP)  na si Baintan Ampatuan.

Sinabi ni Ampatuan, co-chair  din ng  Government of the Philippines Joint Task Forces on Camps Transformation (GPH JTFCT),  na ang aktibidad ay bahagi ng  “political and normalization tracks” ng komprehensibong  peace process sa Mindanao, nakaangkla ang layunin na  “to further develop and enrich the tourism industry in Maguindanao”.

“I hope that this will be the start of better coordination, better linkages, and later on, [the] implementation of the desired programs and projects that we have listed in the Camps Transformation Plan,”  ayon sa OPAPRU kung saan inihayag sinabi ni Ampatuan.

Sa isang kalatas, kumpiyansa naman si Barira Mayor Rauf Tomawis  na sa pagsusulong ng socio-economic development sa pamamagitan ng infrastructure, good governance, at iba’t ibang tourism-related activities sa kanilang lugar ay makapagbibigay  ito ng mas maraming oportunidad para sa mga residente lalo na iyong mga nasa trade center ng mountainous villages  ng Camp Abubakar sa bayan ng Barira, Buldon, Parang, at Matanog.

Taong 2000,  sa mga barangay sa Camp Abubakar, mahigit sa  20,000 residente ang apektado ng naging kautusan ni dating Pangulong Joseph Estrada na “all out war.”

Matapos ang dalawang  buwan ng “heavy air, artillery, and infantry attacks” bumagsak sa mga kamay ng gobyerno ang kuta ng MILF.

“We hope you can help us enrich our municipality, erase the bad memories, and make us known not only because of the war, because before we are really being scared of,” ayon  kay Tomawis.

Samantala, kamakailan lamang ay binuksan ng munisipalidad ang kanilang “main tourist attraction” ang  Bubuludtua Falls, sa Barangay Nabalawag, pagsunod sa inisyatiba ng pamahalaan na i-transform ang dating  MILF camps sa “peaceful, resilient and productive communities” sa ilalim ng e Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na tinintahan ng pamahalaan at MILF noong 2014.

Matatandaang, Nobyembre 9, 2021, kapuwa inaprubahan ng GPH at MILF Peace Implementing Panels ang six-year Camps Transformation Plan na naglalayong magbigay ng “overall process and direction for camps transformation and serve as a roadmap to implement the transformation of six MILF camps into peaceful and productive communities”. Kris Jose